Pag-iisyu ng passport na tatagal ng 10 taon sisimulan na sa Enero 2018

Epektibo na sa Enero ng susunod na taon ang pag-iisyu ng mga pasaporte
na tatagal ng hanggang sampung taon.

Nilagdaan na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang
implementing rules and regulations ng bagong Philippine passport act
na nauna nang nilagdaan ni pangulong duterte noong Agosto.

Ayon kay Cayetano, hindi agad naging epektibo ang batas kahit pa
nilagdaan na ito ng pangulo dahil kailangan pang padalhan ng abiso ang
ibat-ibang mga bansa.

Nilinaw naman ni Cayetano na walang ipapataw na dagdag na singil sa
mga kukuha ng bagong pasaporte kahit pa pinalawig na ito ng sampung
taon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *