Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., hiniling na mapalitan sa puwesto

Inaprubahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kahilingan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr. na mapalitan na siya sa  pwesto.

Sa dalawang pahinang sulat kay Guevarra na may petsang June 25, 2018, hiniling ni Catalan na marelieved siya bilang Acting Prosecutor General ng National Prosecution Service simula sa Biyernes, June 29.

Bukod sa pagiging acting Prosecutor General si Catalan ay kasalukuyan ding City Prosecutor ng Makati City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Catalan na hindi niya kayang ikompromiso at isakripisyo ang kanyang pagganap ng tungkulin at pagiging produktibo sa pangangasiwa ng sabay sa dalawang opisina.

Isa anyang karangalan at hamon ang pribilehiyo na makapagsilbi bilang acting Prosecutor General habang City Prosecutor ng lungsod ng Makati.

Sabay na itinalaga si Catalan sa dalawang posisyon noong June 22, 2017.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *