Malakanyang binuweltahan si Senador Trillanes sa walang humpay na banat kay Pangulong Duterte

Tanggap na ng Malakanyang na kahit kailan ay walang magandang sasabihin si Senador Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque wala ng bago sa sinasabi ni Trillanes laban sa Pangulo.

Ayon kay Roque, namaster na ni Trillanes ang pagiging devils advocate.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos sabihin ni Trillanes na sa ikatlong SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ay walang gagawin kundi magmura dahil sa kawalan ng accomplishment na maiuulat sa bayan.

Inihayag ni Roque na taong bayan ang huhusga sa Pangulo kung ang pag-usapan ay accomplishment dahil malinaw ang plataporma ng administrasyon sa infrastructure sa ilalim ng build build build program, anti corruption campaign at anti criminality campaign kung saan nakapaloob ang all out war sa iligal na droga.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *