Anonymous shopper, bumili ng milyong halaga ng mga laruan sa North Carolina

Isang di kilalang shopper ang bumili ng $1 million worth of toys sa branch ng isang sikat na toy store, na nasa Raleigh, North Carolina,

Ayon sa mga empleyado ng tindahan, ginugol nila ang buong araw ng Biyernes, sa pagkakahon ng mga laruan para sa nabanggit na anonymous buyer.

Kinailangan din nilang kumuha ng dagdag pang mga laruan  mula sa ibang branch, para mapunan ang nasabing order.

Bukod dito, napilitan ding isara ng mas maaga ang tindahan para hindi maabala ang mga empleyado sa gagawing pagkakahon ng mga laruan.

Hindi naman malinaw kung saan napunta ang naturang mga laruan.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *