Bangkay ng 12-anyos na lalaki, nahukay sa Naga city landslide; Bilang ng nasawi 51 na

Isang dose anyos na lalaki ang pinakahuling natagpuan sa landslide na naganap sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan, Naga city, Cebu.

Dahil dito, umabot na sa 51 ang death toll sa landslide at 43 ang nananatiling nawawala.

Ayon kay Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management office o PDRRMO Head Baltazar Tribulano, sa pinakahuling datos, 4,000 mga residente na ang inilikas sa kanilang tahanan.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng evacuees makaraang ipag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang forced evacuation sa mga residente na nasa 1-kilometer radius ng landslide site.

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *