Aplikasyon para sa mababakanteng puwesto ng mahistrado sa SC, binuksan ng Judicial and Bar Council

0
Aplikasyon para sa mababakanteng puwesto ng mahistrado sa SC, binuksan ng Judicial and Bar Council

Tumatanggap na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga aplikasyon o rekomendasyon para sa mababakanteng puwesto ng associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para sa iiwang posisyon ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez na magreretiro na sa Hunyo 4, 2025.

Ang sinumang mapipili sa nasabing puwesto ay ang magiging kauna-unahang appointee ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Supreme Court.

Itinakda ng JBC ang deadline ng online application sa Marso 28, 2025 ng ika-4:30 ng hapon.

Kabilang sa documentary requirements na kailangang isumite ng mga aplikante ay ang Sworn Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa nakalipas na limang taon o 2019 hanggang 2023 para sa mga kasalukuyang nasa gobyerno.

Pero kung nasa pribadong sektor at wala sa gobyerno sa nakalipas na limang taon ang aplikante, ang SALN lang nito ng December 31, 2024 ang kailangang isumite sa JBC.

Maaaring bisitahin ng mga interesadong aplikante ang website ng JBC sa www.jbc.judiciary.gov.ph para sa kumpletong detalye at guidelines ng aplikasyon.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *