Suspended Cebu City Mayor Michael Rama, hiniling sa SC na atasan ang Ombudsman na madaliin ang pagresolba sa kaniyang kaso

0
photo_2025-02-12_11-10-08

Suspended Cebu City Mayor Michael Rama

Muling dumulog sa Korte Suprema si suspended Cebu City Mayor Michael Rama.

Ito ay upang hilingin sa Supreme Court na utusan ang Office of the Ombudsman na agad resolbahin ang kaniyang kaso.

Unang pinatawan ng Ombudsman si Rama ng suspensyon noong Mayo 2024, dahil sa delay sa pagbabayad ng suweldo ng apat na kawani ng Cebu City government.

Kalaunan naman ay inirekomenda ng Ombudsman na kasuhan sa korte si Rama ng nepotism at grave misconduct at alisin ito sa puwesto.

Naghain ng mosyon si Rama noong Oktubre para muling aralin ang kaso pero wala pa ring resolusyon ang Ombudsman.

Ayon kay Rama, “I have my full trust to the Supreme Court, that’s why I became a lawyer. I am asking, give me justice. They will also give justice to the people of Cebu kasi sila ang bumoto sa akin. Wala akong ginagawang mali, wala.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *