Bahay ni Pangulong Duterte at Senador Bong Go sa Davao city, nagkaroon ng crack sa lindol

Nagkaroon rin ng bitak ang bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte at  apartment na inuupahan ni Senador Bong Go sa Davao city.

Kasunod ito ng ikatlong malakas na lindol na tumama kaninang umaga  sa Mindanao.

Sa ipinadalang larawan ni Senador Bong Go, nagkaroon ng crack ang pader nasa living room sa bahay ng Pangulo na nasa Teachers Village.

Mas malaki naman ang crack sa pader ng living room ng condomonium na tinitirhan ni Senador Go.

Ayon sa Senador ang bahay ng Pangulo ay halos isang kilometro lang ang layo sa isang condominium na gumuho kanina.

Wala namang damage sa bahay ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa pero ayon sa kanya nahulog ang lahat ng mga naka-display sa loob ng kaniyang bahay.

Kasama nya raw ang kaniyang ina sa Davao del Sur nang mangyari ang lindol.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *