Oil Price hike nakaamba na naman bukas, Martes  

 

 

May nakaamba na namang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Industry sources, inaasahang magkakaroon ng 0.20 sentimos hanggang 0.40 sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Ito ay bunsod ng pagtaas umano ng presyo ng ethanol na posibleng makaragdag pa sa presyo ng imported gasoline.

Pareho namang naglalaro sa 0.10 hanggang 0.20 sentimos kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at gaas.

Ito na ang ikapitong-linggong sunud-sunod na pagpapatupad ng oil price hike.

Mula Enero hanggang ngayong Setyembre, ay halos 12 piso na ang itinaas sa presyo ng diesel at gasolina.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *