Bangsamoro Organic Law, naratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na rin ng Senado ang Bangsamoro Organic Law.

Walang Senador na hunarang nang isalang kanina sa plenaryo ang Bicam report na ayon sa mga Senador ay solusyon sa pangmatalagang kapayapaan sa Mindanao.

Isa isa namang pinasalamatan kanina ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga kasamahang Senador na tumulong para mabalangkas ang Bangsamoro Organic Law.

Sabi ni Zubiri ang pagpapatibay sa Organic law ay pagpapakita ng sinseridad ng gobyerno sa anumang peace agreement sa mga rebeldeng grupo.

Ang niratipikahang bersyon ay ipadadala na sa Malacañang para malagdaan na ng Pangulo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *