House Resolution 18 para sa pagpapatawag ng Joint session para sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte, pinagtibay na ng Senado

Inadopt na ng Senado ang House Resolution 18 para sa pagpapatawag ng Joint session para pakinggan ang ikatlong SONA ng Pangulo.

Pero bago aprubahan, nilinaw ng mga Senador na tanging SONA lang ang agenda sa joint session at hindi maaring samahan ng iba pang usapin.

Nauna na kasing lumutang ang mga ulat na gagamitin ng Kamara ang Joint Session para mag convene bang Constituent Assembly at talakayin ang Chacha.

Bukod sa House Resolution 18 inaprubahan na rin ng Senado ang Senate Resolution 11 para sa pagbuo ng Joint Committee na magno-notify o magpapaalam sa Pangulo na handa na ang Senado para mag convene sa SONA.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *