Birthday wish ni Pangulong Duterte, “maisaayos ang bansa”.

Walang ibang inaasam si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-74 na taong kaarawan ng kapanganakan ang maisaayos ang bansa sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang advance birthday dinner sa mga opisyal at kagawad ng Presidential Security Group o PSG sa Davao City na patuloy niyang isusulong ang 3 point agenda ng kanyang administrasyon ang paglaban sa iligal na droga, paglaban sa kriminalidad at paglaban sa korapsyon.

Inihayag ng Pangulo na hindi siya mahilig sa magarbong birthday celebration.

Ayon sa Pangulo ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan ng kapanganakan sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay dahil ito ang kanyang nakagawian kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *