Isa pang biktima ng Human Trafficking naharang sa NAIA

Isa na namang biktima ng human trafficking ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Ayon sa BI, papunta sana ang biktima na isang babaeng OFW sa United Arab Emirates.

Pero hindi na ito nakabyahe matapos mabuking  ng mga immigration officers dahil sa kanyang clearance mula sa
Philippine Overseas Employment Administration.

Nabatid ng BI na peke ang stamp at pirma ng mga tauhan ng POEA sa clearance na ginagawa na rin ng mga sindikato ng human trafficking.

Inamin ng biktima na ibinilin sa kanya ng kanyang handler na magpakilalang turista kapag nag-check in sa eroplano pero pagdating sa immigration counter ay pipila siya sa lane para sa OFWs.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *