Canada mas mabuting pagbayarin na lang sa kanilang itinapong basura – Sen. Cynthia Villar

Hindi sang ayon si Senador Cynthia Villar na ibalik pa sa Canada ang tone-toneladang basurang itinapon sa Pilipinas.

Sa kabila ito ng utos ni Pangulong Duterte na kunin ng Canada ang basura at kung hindi ay magbabanta siya ng giyera.

Pero ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Environment,  hindi praktikal at mahabang proseso pa ang pagdadaanan kung ibabalik pa ang mga  basura.

Mas makabubuti aniya kung pagbayarin na lang ng Pilipinas ang Canada sa idinulot na perwisyo at  polusyon nang itapon ang naturang mga basura para matapos na ang isyu.

Maaari naman aniyang irecycle ng gobyerno ang nga basura para mapakinabangan.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *