Dating Police Col. Royina Garma at anim na iba pa, kinasuhan ng NBI at PNP

Sinampahan na ng NBI at PNP- CIDG sa DOJ ng reklamong murder at frustrated murder, sina dating Police Colonel Royina Garma at anim na iba pa kaugnay sa pagpaslang noong 2020 kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.

Nagsagawa ng case build-up ang NBI at PNP- CIDG sa kaso ng pagpatay kay Barayuga matapos umamin sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara si Police Lieutenant Colonel Santie Mendoza at dating pulis na sina Nelson Mariano, na sangkot sila sa insidente at itinuro ang mga utak sa krimen.

Bukod kay Garma, inireklamo rin sina Mendoza, Mariano, Edilberto Dela Cruz Leonardo, Jeremy Causapin alyas Toks, alias Loloy, at isang John Doe.

Dating Police Colonel Royina Garma / courtesy: eaglenews

Si Garma ay una nang hinarang at idinitene sa US noong nakaraang Nobyembre at hindi pa nakababalik.

Batay sa reklamo, nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang NBI at PNP para kasuhan ang respondents.

Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang mga taga- NBI at PNP na nagsampa ng reklamo.

Pero nakasaad sa reklamo na inirekomenda na gawing state witness sina Mendoza at Mariano, matapos makumpirma sa mga ebidensya ang kanilang testimonya.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *