Tariffs na ipapataw ng US sa Canada at Mexico ipagpapaliban

Republican presidential candidate and former US President Donald Trump gestures as he takes the stage at his caucus night watch party in Des Moines, Iowa, US, Jan. 15, 2024. — REUTERS
Sinuspinde ni U.S. President Donald Trump ang kaniyag banta na pagpapataw ng mataas na tariffs sa Mexico at Canada, at sumang-ayon na ipagpaliban ito ng isang buwan kapalit ng mga konsesyon sa hangganan at crime enforcement sa dalawang magkatabing mga bansa.
Kapwa sinabi ng Punong Ministro ng Canada na si Justin Trudeau at Pangulo ng Mexico na si Claudia Sheinbaum, na payag silang palakasin pa ang border enforcement efforts bilang tugon sa hinihingi ni Trump na sugpuin ang drug smuggling at immigration.
Dahil dito ay ipagpapaliban muna ng tatlompung araw ang 25% tariffs na nakatakda na sanang ipataw ngayong Martes.
Sumang-ayon ang Canada na magdeploy ng bagong teknolohiya at mga tauhan sa border nito sa US at maglunsad ng cooperative efforts upang labanan ang organized crime, fentanyl smuggling at money laundering.
Pumayag naman ang Mexico agreed na magdeploy ng sampung libong National Guard members sa kanilang northern border, upang pigilan ang illegal immigration at illegal drugs.
Nag-commit din ang United States na pipigilan ang trafficking ng high-powered weapons sa Mexico, ayon kay Sheinbaum.
Sinabi ni Trump, “As President, it is my responsibility to ensure the safety of ALL Americans, and I am doing just that. I am very pleased with this initial outcome.”
Ang mga kasunduan sa ngayon ay hahadlang sa pagsisimula ng isang digmaang pangkalakalan na hinulaan ng mga ekonomista na makasisira sa ekonomiya ng lahat ng kasangkot, at maghahatid ng mas mataas na presyo para sa mga mamimili.
Makaraang makipag-usap sa dalawang lider sa pamamagitan ng telepono, sinabi ni Trump na susubukan niyang makipagnegosasyon tungkol sa economic agreements sa susunod na buwan sa dalawang pinakamalaking trading partner ng U.S., na ang mga ekonomiya ay nagkaroon na g mahigpit na pagkaka-ugnay sa Estados Unidos, simula nang malagdaan ang isang free-trade deal noong dekada 90.
Samantala, walang ganitong kasunduan para sa China, na nahaharap sa across-the-board tariffs ng 10% na nakatakdamng simulang ngayong Martes.
Ayon sa isang tagapagsalita ng White House, si Trump ay sa mga huling bahagi pa ng linggong ito makikipag-usap kay Chinese President Xi Jinping.
Babala pa ni Trump, maaaring lalo pa niyang taasan ang tariffs sa Beijing.
Aniya, “China hopefully is going to stop sending us fentanyl, and if they’re not, the tariffs are going to go substantially higher.”
Tinawag ng China ang fentanyl na problema ng America at sinabing hahamunin nito ang mga taripa sa World Trade Organization, at gagawa ng iba pang countermeasures, ngunit iiwan pa ring bukas ang pinto para sa pag-uusap.
Noong Linggo, ay ipinahiwatig ni Trump na sunod niyang target ay ang 27-nation European Union, ngunit hindi sinabi kung kailan.
Nitong Lunes sa isang informal summit sa Brussels, ay sinabi ng EU leaders na handa silang lumaban kung magpapataw ng tariffs ang U.S., ngunit nanawagan din ng negosasyon. Ang U.S. ang pinakamalaking trade at investment partner ng EU.