Tatlong industrial corporation kinasuhan ng DOJ ng tax evasion sa Court of Tax Appeals

Ipinagharap ng Department of Justice (DOJ) ng patung-patong na kaso ng paglabag sa National Internal Revenue Code sa Court of Tax Appeals (CTA) ang tatlong industrial corporations dahil sa pag-iwas na magbayad ng tamang buwis.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa Run After Fake Transactions (RAFT) program nito.

Sinampahan ng 14 na kaso ng tax evasion ang Total Metal Corporation, apat na kaso naman ang Equator Energy Corporation at dalawang kaso ang Limhuaco Metal Industrial Incorporated.

Ayon sa DOJ, bumili o gumamit ng pekeng resibo mula sa ghost companies ang mga korporasyon para sadyain na hindi magbayad ng buwis sa BIR.

Inaasahan ng DOJ na magiisyu ng arrest warrant ang CTA laban sa mga opisyal ng mga nasabing korporasyon.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *