Death toll sa paghagupit ng Hurricane Florence sa US, 15 na

                                                               photo credit: cnn.com

Umakyat na sa 15 ang nasawi sa pananalasa ng Hurricane Florence sa Southeastern United States.

Kabilang sa nasawi ang isang nanay at anak nitong sanggol matapos mabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa Wilmington, North Carolina state na kabilang sa pinakamatinding hinagupit ng bagyo.

Daan-daang katao na ang nailigtas ng Cajun Navy volunteers at US Coast Guard simula pa noong sabado habang tinaya sa 15,000 iba pa ang nananatili sa mga evacuation center sa North Carolina pa lamang.

Mahigit 700,000 kabahayan at business establishment naman ang nananatiling walang power supply habang malaking bahagi ng North Carolina ang lubog sa baha.

Ito na ngayon ang pinakamatinding pagbaha na naranasan sa lugar sa nakalipas na 19 na taon.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *