Tatlong mga bata na inanod sa Tullahan river, pinaghananap pa rin

Hindi pa rin natatagpuan ang tatlo sa limang mga batang inanod ng tubig sa Tullahan river matapos magkayayaan ang mga ito na maglaro sa tabi ng ilog.

Ayon kay Nelly Salud, kasama ang kaniyang anak na si Jillian sa mga batang inanod ng tubig.

Kasama din sa inanod ng ilog ang magkapatid na sina Reiniel at Kerby Tejadilla.

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management office pero hanggang ngayon ay hindi nahahanap ang mga bata.

Sa kabila nito, umaasa ang mga magulang ng mga bata na maibabalik ng buhay ang kanilang mga anak.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *