Department Secretaries nagbibigay na ng kanilang mga inputs para sa pag-draft ng SONA speech ni Pangulong Duterte sa susunod na buwan

Sinisimulan na ng Malakanyang ang pagdraft ng magiging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikaapat nitong State of the Nation Address o SONA sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nagbibigay na ng kani-kanilang inputs ang lahat ng Department secretaries para sa posibleng lalamanin ng SONA ng Pangulo.

Hindi naman matiyak ni Panelo kung magbabasa lamang ng kanyang prepared speech ang Presidente o magiging extemporaneous ito.

Sinabi ni Panelo na batid naman aniya ng lahat na sa mga nakalipas na SONA ng Pangulo marami itong naging pahayag na wala naman sa kanyang prepared speech.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *