Cong. Lord Allan Velasco, inanunsyo na ng PDP-Laban bilang susunod na House Speaker

Inanunsyo na ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP- Laban si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco bilang susunod na House speaker ng 18th Congress.

Si Senador Manny Pacquiao ang nag-anunsyo ng pagtatalaga kay Velasco sa direktiba ni PDP- Laban President Aquilino “Koko” Pimentel.

Napili aniya si Velasco batay sa manifesto of support na nilagdaan ng mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban sa Kamara.

Ang PDP- Laban ang may pinakamaraming miyembro sa lower house na  umaabot sa 84.

Nilinaw naman ni Pacquiao na walang mangyayaring term sharing at magsisilbi si Velasco ng full-term o tatlong taon bilang speaker.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *