SC ‘di naglabas ng TRO laban sa ICC arrest order kay FPRRD

0
SC ‘di naglabas ng TRO laban sa ICC arrest order kay FPRRD

Bigong makakuha ng TRO si dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagsisilbi ng ICC arrest warrant laban sa kaniya.

Ayon sa Supreme Court Office of the Spokesperson, hindi nag-isyu ng TRO ang Korte Suprema dahil hindi naipakita ng petitioner na may malinaw at unmistakable right ang mga ito para sa agarang paglalabas ng TRO.

Ito ay matapos ang isinagawang virtual deliberation kahapon ng mga mahistrado sa mahigit 90-pahinang petisyon.

Sa halip, inatasan ng SC ang mga respondent na magsumite ng komento sa petisyon ng dating pangulo sa loob ng 10 araw.

Kaugnay nito, nai-raffle na ng SC ang dalawang habeas corpus petition na inihain ng magkapatid na Kitty at Baste Duterte para mapabalik ng bansa ang kanilang ama.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *