Justice Secretary Menardo Guevarra at mga empleyado ng DOJ, lumahok sa nationwide earthquake drill

Nakiisa ang mga opisyal at empleyado ng DOJ sa ikinasang nationwide simultaneous earthquake drill ng gobyerno.

Kabilang sa  lumahok si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Pasado alas -2:00 ng hapon nang tumunog ang fire alarm sa DOJ.

Ilang saglit ay unti-unti nang naglabasan sa mga gusali sa DOJ ang mga kawani ng kagawaran.

Sa parking lot nagtungo ang mga DOJ employees at officials kung saan ang ilan ay may dalang libro na nakapatong sa kanilang ulo bilang panangga o proteksyon.

May kani-kanilang pwesto na pinuntahan ang mga kawani depende kung saan silang tanggapan ng DOJ.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsibalikan na rin sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng DOJ.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *