Klase sa mga paaralan sa Marikina City suspendido hanggang Biyernes, August 17

Nag-anunsyo na si Marikina city  Mayor Marcy Teodoro ng suspensiyon ng klase sa lunsod.

Sa abiso ng Marikina-Public Information Office (PIO), kanselado ang klase sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan ng hanggang Huwebes, August 16, hanggang sa Biyernes, August 17.

Ayon kay Teodoro, ito ay dahil lubog pa rin sa putik ang mga kalsada sa lunsod, lalo na ang mga loobang bahagi nito.

Kailangan pa aniya ng mga residente ng karagdagang panahon para maisaayos ang kanilang mga tahanan.

Maliban dito, kasama ring aayusin ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers ng mga apektadong residente.

Nagparating naman ng pasasalamat ni Teodoro sa mga kooperasyon ng mga residente at patuloy na nagpapaabot ng tulong sa lunsod.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *