Mga Smugglers ng droga nais ipa-firing squad ni Senador Manny Pacquiao

Nais ni Senador Manny Pacquiao na ipa-firing squad ang mga smugglers na mapapatunayang nagpapasok ng shabu sa bansa.

Kaugnay ito ng pagkakadiskubre ng container van sa Customs na naglalaman ng mga shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 6.8 billion pesos.

Sinabi ni Pacquaio na dapat masampulan ang sinunang dayuhan o Pinoy na sangkot sa smuggling ng droga.

Aminado si Pacqiao na naipapasok ang illegal drugs sa Pilipinas dahil wala namang death penalty o mas matapang na batas na maaaring ipataw sa mga smugglers.

Nauna nang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na ang shabu ay naipuslit na sa isang warehouse sa Cavite.

Naiintindihan niya raw ngayon bakit dismayado ang Pangulo at nais na lang na bumaba sa puwesto.

Senador Pacquiao:
“Ang Pangulo talagang nakipaglaban dito war against drugs. Can you imagine ilang beses na niyang sinasabi na bawal ang droga ayaw na niya ang droga and yet may nakakalusot na drugs nakakapuslit dito sa Customs”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *