Mga apektadong residente ng Marikina City, binigyan ng tulong ni SAP Bong Go

Binisita ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga naapektuhang mga residente ng habagat nitong nagdaang weekend sa Marikina, Taytay at sa Bagong Silangan, Quezon City kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Binahaginan niya ng ayuda ang mga nasa evacuation center.

Partikular na pinuntahan ni Bong Go ang Exodus elementary school sa Taytay Rizal.

Sunod namang pinuntahan ay ang covered court na ito sa Bagong Silangan,  Quezon City na madalas na bahain kapag bumuhos ang tuluy tuloy na ulan kung saan nananatili pa rin ang nasa higit 200 pamilya sa nasabing Barangay.

Pinawi ni Bong Go ang kalungkutan ng mga evacuees dala na rin ng naranasan nila nitong nagdaang araw.

Bukod sa mga pangunahing ayuda nangako rin ng karagdagang tulong si Bong Go sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng masamang panahon.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *