Pasok sa Supreme Court at sa iba pang korte sa NCR suspendido simula alas-dose ng tanghali

Half-day na lang ang pasok sa Supreme Court at sa iba pang hukuman sa NCR ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Ipinagutos ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang suspensyon ng pasok simula alas-dose ng tanghali.

Sakop ng work suspension ang Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lahat ng korte sa Metro Manila.

Ipinauubaya naman ng Supreme Court sa mga Executive Judges ng mga hukuman mula sa mga lugar na lubhang apektado ng pagbaha at pagulan ang pagsususpinde ng trabaho.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *