Mga aplikante para sa pwestong babakantehin ni SC Justice Presbitero Velasco Jr., sasalang sa Public interview ng JBC ngayong araw

Nakatakdang sumalang ngayong araw sa public interview ng Judicial and Bar Council ang mga aplikante para sa posisyong babakantehin sa Korte Suprema ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr na magreretiro sa August 8.

Anim sa 12 aplikante ang sasalang sa screening ng JBC.

Una sa haharap sa JBC sina Court of Appeals Justices Oscar Badelles at Manuel Barrios at Davao RTC Judge Carlos Espero II na nakaiskedyul mamayang alas nueve ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Sasalang mamayang alas dos ng hapon hanggang ala singko ng hapon sina CA Justices Ramon Garcia at Amy Lazaro-Javier at Ateneo College of Law Dean Cesar Villanueva.

hindi na sila sasalang sa screening ang iba pang aplikante na si Court Administrator Jose Midas Marquez at limang iba pang CA justices dahil valid pa rin ang nakaraang public interview sa JBC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *