Pangulong Duterte, ipagbabawal na ang mga tambay sa kalye

Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police o PNP.

Sinabi ng Pangulo na inaatasan niya ang pnp na sitahin ang mga pakalat-kalat sa kalye lalo na sa dis-oras ng gabi.

Ayon sa Pangulo kung ayaw umuwi ng mga tambay sa kanilang bahay dapat damputin ang mga ito at dalhin sa presinto.

Inihayag ng Pangulo ang mga tambay ang madalas masangkot sa gulo at krimen.

Niliwanag ng Pangulo bahagi ng tungkulin ng mga otoridad na panatilihin ang kapayapaan ng komunidad sa ilalim ng police power ng Gobyerno.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *