Mga kandidato na diniskuwalipika ng Comelec na nakakuha ng TRO, kasama sa bagong ballot face

Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong ballot face para sa May 2025 Midterm Elections.
Kasama na rito ang pangalan ng 9 na kandidato na una nang diniskuwalipika ng Comelec, pero nakakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema.
Sa ngayon ay tinatapos na lang ng law department ng Comelec ang verification sa mga ballot face at ready na ito para sa pag-imprenta ng mga balota.

Para mas mapabilis ang printing ng mga balota, gagamitin na ng Comelec ang mga makina ng National Printing Office (NPO).
Dahil dyan, kakayanin nilang makapag-imprenta ng 1.5 milyong balota kada araw.
Umaasa ang Comelec na maaabot ang target na April 14 deadline, para matapos ang pag-imprenta ng mga balota.
Madelyn Villar-Moratillo