Mga miyembro ng PDP-Laban na hindi susuporta kay Cong. Velasco, papatawan ng parusa

Nagbabala ang PDP- Laban sa mga miyembro nito na maaaring mapatalsik sa partido at mahaharap sa parusa sakaling hindi suportahan ang kanilang inendorsong kandidato sa pagka-House Speaker.

Sa kasalukuyan,  60 pa lang sa may 84 na miyembro ng PDP-Laban ang pumirma sa manifesto ng pagsuporta kay Velasco.

Ayon kay Ronwald Munsayac, tagapagsalita ng partido, malinaw sa rules ng PDP-Laban na dapat may iisa silang agenda at suportahan anuman ang kanilang mga isinusulong na programa.

Mahalaga aniya ang iisang boses para magtagumpay ang isinusulong na reporma sa administrasyon.

Bahagi rin aniya ito ng ginagawa nilang pagpapalakas sa political party system lalo na sa pilipinas kung saan talamak ang mga political butterflies.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *