Taas-singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, nagbabadya

 

Nagbabadyang tumaas ang singil sa tubig  sa susunod na buwan.

7.30 piso kada cubic meter ang hirit ng Manila Water , habang 6.95 sa Maynilad.

Bagaman hindi pa kinukumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory office, tiniyak nito na uutay-utayin ang dagdag-singil sa loob ng apat na taon na magsisimula sa Oktubre  sa oras na aprubahan.

Ipi-presenta naman ngayong araw ng MWSS-RO sa publiko ang rekomendasyon nilang dagdag-singil ng mga nasabing Water concessionaire.

Isasagawa ang Public consultation ng Manila Water sa Cainta elementary school sa Rizal , habang sa Biyernes ang konsultasyon ng Maynilad sa Imus Sports complex sa Cavite.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *