Pangulong Duterte, handang matulad kina dating Pangulong Estrada at Arroyo na nakulong pagkatapos ng kanilang mga termino

Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na makulong pagktapos ng kanyang termino.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa harap ng mga batikos laban sa kanya sa pagpapatuloy ng war on illegal drugs ng kanyang adminsitasyon.

Ayon kay Pangulong Duterte nakulong sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Arroyo pagkatapos ng kanilang termino dahil sa patakaran ng kanilang administrasyon.

Paliwanag ng Pangulo ang pagiging pinuno ng bansa ay isang biyaya mula sa Panginoon at gagawin niya kung ano ang tama para sa sambayanang Pilipino.

Hamon ng Pangulo kung gusto ng mga kritiko ng administrasyon na mahinto ang mga patayan at rebelyon dapat ihinto na ang pagpapakalat ng iligal na droga at ang mga baril ng mga rebelde.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *