Speaker Arroyo, itinanggi na ni-railroad ang pagpasa sa draft ng Federal Constitution

Mariing itinanggi ni House speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagkaroon ng railroading sa pagpasa sa resolusyon sa draft ng Federal constitution.

Ang resolution ng dalawang Houses of Congress 15 na nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa kamara ay kasama sa priority measures ng Pangulong Duterte na binanggit sa kanyang State of the Nation address (SONA).

Giit ni Arroyo nagkaroon ng demokratikong proseso nang talakayin ito at nagkaroon rin ng debate bago napagbotohan.

Umaasa naman ang House Speaker na sa Lunes ay mapagbotohan na rin ito sa ikatlo at huling pagbasa.

Una ng sinabi ni GMA na maaaring malabo ng masakatuparan sa kanyang termino ang panukala para sa pagbabago ng porma ng gobyerno tungo sa Pederalismo.

 

Ulat ni Madz Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *