Pangulong Duterte, sasalubungin ang Bagong Taon sa piling ng kanyang pamilya sa Davao City

Gaya ng kanyang nakaugalian, sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok ng taong 2019 sa piling ng kanyang pamilya.

Batay sa schedule na inilabas ng protocol office ng Office of the President, mamamalagi ang Pangulo sa Davao city hanggang sa bagong taon.

Nauna ng sinabi ng Malakanyang na kailangan ng Pangulo ang kaunting break sa kanyang trabaho kapiling ang kanyang pamilya.

Maging sa pagdiriwang ng Rizal day sa Davao ay hindi na rin sinipot ng Pangulo ang kanyang schedule dahil sa payo ng kanyang mga doktor na magpahinga muna.

Si Davao city Mayor Sarah Duterte ang kumatawan sa Pangulo sa pagdiriwang ng Rizal day.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *