Retrieval operations sa Tiwi, Albay na matinding hinagupit ng bagyong Usman, nagpapatuloy….Bilang ng mga casualties, pumalo na sa 68

Nagpapatuloy ang search ang retrieval operations sa mga biktima ng bagyong Usman sa Tiwi, Albay.

Pinangangambahan ni Albay Governor Al Francis Bichara na marami pang maaring casualties dahil karamihan sa mga bahay sa gilid ng bundok ay natabunan matapos ang ilang insidente ng landslide.

Tinukoy nito ang apat na magkakasundo na landslide sa bayan ng Tiwi.

Tumanggi aniya na lumikas ang mga residente kahit pa matindi na ang ulang dala ni Usman na tumagal ng 24 oras.

Sa ngayon 11 na aniya ang patay pero tuloy ang retrieval operations sa Tiwi.

Sa ngayon hindi pa maaring daanan ang San Antonio bridge sa Tabaco city at Tiwi Sagnay road. 

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *