Pilipinas, hindi ginamit na collateral ang Recto bank o Reed Bank sa loan agreement sa China- Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na malabong mahulog sa tinatawag na ‘China Debt Trap’ ang Pilipinas kaugnay sa pag-utang nito ng pera para pondohan ang Chico Dam Projects.

Sa economic briefing sa Malakanyang, nilinaw ni Finance Undersecretary Bayani Agabin na hindi ginawang colateral ang Reed Bank o Recto Bank sa pagkakautang ng bansa sa China.

Binigyang-diin ni Agabin na ang sinasabi sa loan agreement na kung halimbawa na dumating ang punto na mawalan ng pambayad ang Pilipinas sa pagkakautang nito ay pwedeng ipambayad ang nakadepositong langis sa Recto Bank.

Paliwanag ni Agabin na hindi ibig sabihin na kapag magkaroon ng default sa pagbayad sa utang ay may karapatan na ang China na angkinin ang pag-aari ng Pilipinas.

Ayon kay Agabin na malinaw ang nakasaad sa batas  na ang mga lupain, kagubatan at likas na yaman na pag-aari ng bansa ay hindi maaaring angkinin ng kahit anong bansa.

Sa usapin naman ng paggamit ng gas deposits bilang pambayad utang, hindi din umano ito magiging madali dahil kailangan pa dumaan sa arbitration at isangguni sa korte dito sa Pilipinas para magkaroon ng Enforcement of Arbitration award.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *