Pinakamagarbong Coloring Book sa buong mundo

Tinaguriang “World’s most luxurious coloring book” ang BESPOKE Coloring Book na isang Adult Coloring Book.

Ang coloring book na ito ay nakatutulong sa mga adults na makapag-relax at pampaalis ng stress.

Meron itong sampung illustrations na gawa ng tanyag na ilustrador na si Ian Beck. Maaari rin itong i-customized o magpaguhit ng mga larawan kay Beck na nais ninyong kulayan depende sa mga bibiling kliyente niya.

Ang cover page ng nasabing aklat ay yari sa leather at ang pangalan ng bibili ng nasabing coloring book ay ililimbag sa cover page nito sa pamamagitan ng isang 24-carat na gold foil.

Kaya nga ang marangyang coloring book na ito ay nagkakahalaga ng 30, 850 US Dollars.

 

(written by: Violy Escartin)

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *