Pugita, nagpahayag ng pasasalamat sa taong nagligtas sa kaniya

Kamangha-mangha ang isang eight-legged octopus na nagpahayag ng pasasalamat sa taong nagligtas sa kaniyang buhay.

Nag-viral sa internet ang video ng isang maliit na Octopus matapos itong magpakita ng utang na loob sa taong tumulong sa kaniya.

Isang lalaki ang tumulong sa kaniya, ibinalik siya sa tubig matapos ma-stranded sa dalampasigan dahil sa napadpad ito doon sanhi ng malakas na alon.

Matapos ang ilang minuto at nang tuluyang makabawi ang maliit na pugita, makikita sa video na lumapit ang Octopus sa lalaking tumulong sa kaniya.

Iniunat ng Octopus ang dalawang galamay nito at inilapat sa paa ng lalaki na tila nagpapasalamat.

Makalipas ang ilang segundo, muling bumalik sa karagatan ang Pugita.

 

(written by: Violy Escartin)

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *